Mga Katangahan sa Buhay (Ang panimula)


Ang blog na ito ay ginawa upang magbigay pugay sa bawat kaugalian, paniniwala, karanasan at hangarin ng mga Pilipino sa lahat ng parte ng mundo. Nawa’y mag enjoy ang lahat at may mapulot. Disclaimer: Walang pinatatamaan o pinipersonal ang author ng blog na ito. 

Cheers!

Here are some of the things i think and write off (pag walang magawa..hehehe)

 

enter

 

  1.) your anger is a gift (pag di ka marunong magalit at mag react, mauulit lng lagi mga nangyayari sa yo)

2.) kung di na kayo pareho masaya, huwag nio ng ipagpatuloy pa, pareho lng kayo nahihirapan. (pang magsyota lng, pag kasal na ndi na applicable to!)

3.) pag galit ang isa, wag ng kulitin pa, dahil lalong magagalit yan, ang plantsa ba pag hinugot mo ng saksak nalamig agad? ganun din ang tao, kelngan mo muna palamigin saka mo ulit lapitan at kausapin ng malumanay.

4.) pag parehong mainit ang ulo, wag ng magtalo dahil lalo lng gugulo

5.) dalawa lng ang tao sa mundo, yung naguutos at yung inuutusan. At yan ay laging naka parallel sa estado ng pagkatao mo..alin ka dun sa dalwa??

6.) kung ayaw mong mabastos ng mga tambay at lasing, wag kang dumaan sa harap nila na halos labas na ang iyong kaluluwa.

7.) wag mong sasabihin sa inuman na kaya mo pa kung ikaw ay naka ilan ng suka.

8.) kung gusto mo ng masarap na pulutan, pumarehas ka sa ambagan.

9.) pag dalwa kau sa puso nia, wag mo ibibigay lahat ng sayo, kelngan magiwan k lagi sa sarili mo ng bagay na hahanapin nia at pipiliting makuha para may pagasa kang sayo sia mapunta.

10.) Bakit tuwing ma le late kn, saka pa magpapa gasolina yung sinasakyan mong jeep?

11.) Bakit sa fastfoods, ang kapartner ng heavy meals ay diet softdrink? (asan logic dun?)

12.) ang pag-ibig ay 2 lng, kamusta at paalam (kanta ng eraserheads yan!)

13.) Pag nadudumi ka o naiihi, natitiis mo ng medyo mtgal, pero pag nandun ka na sa cr finally, bakit parang lalabas na agad at di mo na mapigilan? hehehe

14.) Bakit minsan may mga babae na sasabihin sa manliligaw nila: “I dont like you!, lets be friends n lng” ano yun? you dont like nga db? bakit gusto mo pa maging friend?..

15.) Sabi sa bible at sa church teachings, “kelangan tanggapin si Kristo tuwing Misa in a form of Holy communion”; “Bawal tumanggap ng communion pag may mortal sin ka”; “Kelangan mo mangumpisal at least once a month para mptawad ang mortal sins mo”.. Pero nung nabubuhay si Kristo,”sinumang walang kasalanan sa inyo ang siyang bumato sa babaeng ito”.. confusing isn’t it? got my point yet?

16.) Bakit minsan, pag bumaba na ko sa Jeep dahil traffic, saka nmn aandar???

17.) Pag sinabi sayo ng bf/gf mo: “i need space, may problema ako sa family ko”, eto lng yan..90% is meron nang iba OR hindi na siya masya.. Hindi lng niya masabi sau na gusto na niya makipagbreak dahil gusto niya sayo manggaling ang decision n ganun. kasunod nian, they will show you panlalamig at pagbabago sa pagkatao niya at relationship nio, Ways nila yun para pagisipan mo na i break na sila or ikaw ang magsawa…

18.) Ang isang long distance relationship ay mag wuwork lng kung meron kayo ng tatlong bagay: una; strong relationship foundation (taon ang pinaguusapan dito tol!)..yung point na alam nio na ang weaknesses, ayaw at temptations ng bawat isa..at dapat involve at ok ang family relationship sa bawat side para may matatakbuhan ka.. 2nd; total communication, pag sinabing total, may definite na araw, oras at haba ng tawag/chat (di pwedeng excuse ang busy at nakalimutan dahil na set nio na to!) – ganito ka detailed..updated dapat ang bawat isa sa mga activities kahit minsan ndi na makarelate, ang importante, by doing this – the confidence and trust to each other is solid. 3rd; Always put God in everything you do and decide.. It will help you clear of worries and makakapagpalakas ng tintawag natin na “kunsensya”… korni man yung pangatlo, pero ito ang pinaka astig.. pwedeng wala yung 1 and 2 kung pareho kaung malakas dito sa 3rd..agree? disagree?

19.) Ang pinaka selosa/selosong karelasyon sa mundo ay ang iyong — kabit… tama ba???

20.) Hindi lahat ng tama ay masya.. Pero kapag masaya ka, nagiging tama ang lahat…

21.) Bakit minsan, nauuna ka pang gumising sa tunog ng alarm clock mo? (tapos di ka na makatulog pag sinubukan mo-badtrip!)

22.) And then pag inaantok kn sa pagbabasa ng libro (lalo na kung estudyante ka), hihiga ka na, pero pag higa mo, di ka na ulit inaantok! hashhh..!

23.) Hindi komo kabit ka di ka pwedeng mag demand (yun nga lang – limited)..Pareho lang kayo nung original niya na binibigay ang pagmamahal, hayaan mong siya ang mag adjust wag ikaw!

24.) Bakit ang lalake, pag nagkukuwento sa iba ng lovelife/buhay niya, madaldal ang tawag, pero pag ayaw nmn magsabi — malihim, may tintago, mayabang at suplado na ang sasabihin! ano b tlg???

25.) Sabi ng Typecast “Sympathy is never considered Help” ~ i agree…kayo?

26.) Never regret anything na ginawa mo kung naging masaya ka nmn.. wag mong sukatin yung bilang ng pagkadapa mo at kung ilang beses k nasktan nung ginwa mo yun. Ang isipin mo, at ipagmalaki mo, eh nagawa mo at ibinigay ang lahat, na yung tipong anyone who knows you would not expect na kaya mo pala. Be proud and stand up! Think of the things na ikinasaya mo (kahit kakaunti lang)  despite nung mga hirap!! smile!

27.) Hindi komo ikaw ang laging sinusuyo kahit wala siyang kasalanan, eh may karapatan ka ng ma spoiled. Gising! kahit gano ka kahalaga sa kanya, wag mong kalimutan na may dulo ang pisi kahit gano kahaba. Wag mo ng antayin na umabot ka sa dulo dahil baka dun pa masira lahat ng pinagsamahan nio.

28.) Follow up sa #27, hindi komo mas mataas ang posisyon o estado mo sa buhay eh hindi ka na dapat umamin ng pagkakamali mo. Tandaan, wla ka diyan kung di dahil sa mga yun. Di komo mas mataas ka eh kaw pa din ang susuyuin kung ikaw ang mali. Hoy! may pakiramdam din sila!

29.) Ang kasinungalingan ay parang cancer, napipigilan mo pero di mo kayang tanggalin!

30.) Bakit minsan (o madalas), mas nakakahiya ang maningil ng pautang kesa ang mangutang?

31.) Bakit habang laging papalapit na ang sweldo, paubos ng paubos ang pera ng tao? (ndi magandang bisyo to!)

32.) Katulad ng #8, kung gusto mo ng masarap na alak sa inuman, pumarehas ka sa ambagan!

33.) Sa mga matakaw sa pulutan tuwing inuman, mag-ingat paguwi baka mapagalitan ng magulang at mahalatang naginom kasi – AMOY PULUTAN!!!

34.) sorry comes in ONLY two packages: 1)I mean it; and 2) I didn’t mean it (the most popular).. and forgiving is a trial and error process, you should not reject the “sorry” unless she/he proved to you na hindi na naulit at mauulit ang gnwang mali. (everybody deserves a second chance after all) and hindi dapat laging isumbat ang pagkakamali tuwing away kung nag sorry na at napatawad mo na, nakakasawa yun! It will make him/her feel na wala xang karapatang magbago and will make him/her think na di mo pa xa napapatawad tlg..malaking crack ito sa isang relationship..promise! But unless ginwa nia ulit, then babalik tayo sa #29 at ang ending mo eh sa #1.

35.) Nung bata ka, isa ka sa nagpipilipit ng toothpaste pag paubos na.. as in pilipit na pilipit hanggang may lumalabas pa..^^

36.) Alam nating lahat ang tagline na pinasikat ni spiderman, ang “with great powers, comes with great responsibility”.. And responsibility does not automatically and traditionally means more jobs for you to do and more pressure. Ang pinaka tamang pag intindi nito is to do “more sacrifices”. Pag may power kn (or position), mas marami na ang umaasa sau.. And that is what we call “social responsibility”.. ito ang wala sa utak ng halos lahat ng boss/amo dito sa atin sa pinas (foreign man o pinoy).. ang thinking nila eh, “bakit? sinusuwelduhan ko nmn kau ah?”, “bakit? trabaho nio nmn yan ah”… NO….it f**king doesn’t end there..ang relationship ng boss sa empleyado at sa mag gf/bf is DAPAT walang pinagkaiba… Give and take… loyalty and commitment. Kung boss ka, you have the social responsibility to your people to make their lives better kung ayaw mo layasan ka nila..They are committed to work to you and umaasa sila na mapansin un… At applicable tong principle na to ano pa man ang posisyon mo as long as may mga tao ka sa ilalim mo na nakatingala sa ‘yo.. 

37.) In response to #36, on the workers side, bago ka magreklamo sa mga amo mo or sa gngwa mo, you also have to analyze the situation whether you are deserving enough to demand.. evaluate yourself on the words “hardwork, perseverance, skills and character”.. Kung isa kang honest, malinis, walang kapalpakan at kabulastugan sa trabaho mo, then you can speak up and stand up proudly.. sabi nga nila, maglinis ka muna ng bakuran mo bago mo sitahin yung sa kapitbahay mo…

38.) Bakit may mga tao sa mundo na malakas mang-asar pero pag sila na ang inasar, pikon? 

39.) Bakit minsan kapag wala kng balak sumakay ng tricycle, andami daming nangungulit at natigil sau? pero pag yung oras na gusto mo sumakay, ang hirap sumakay at minsan walang may gusto?

40.) Retreat doesn’t necessarily means giving up, its just giving your self some time to think and plan your next move. So that it will not happen to you again and will make you achieve whatever you desire..

41.) Ang “utang na loob”, kahit kailan hindi pwede maging kakambal ng salitang “kusang-loob”

42.) Ang masamang ala-ala ay parang kulangot, kahit paulit ulit mong tanggalin, bumabalik balik p din

43.) Kahit anong klaseng paliwanag pa ang gawin mo sa iyong tinatwag na “white lies”, isa pa rin itong – palusot!

44.) Wag mong sabihing ginwa mo n ang lahat ng dapat mo ng gawin para sa isang bagay/pagkakataon kung puro ka nmn dahilan, reklamo at palusot.

45.) Mabuti pa ang mga halaman/puno sa bundok, kahit mag kakaiba silang uri na magkakatabi, pare-pareho silang nabubuhay at lumalago on their own..Walang namamatay at natutuyo na isang uri lng (maliban na lng kung sinadya o oras na nito)..  Sana ganun din tayong mga tao..

46.) Walang karapatan ang sinuman na pigilan ka sa pag unlad mo para lng sa sariling interes nila o ng iilan lamang. May sarili ka ring buhay, pangarap, pamilya at mga problema.. Wag kang magpapadala sa pakunsensya effect kung ginwa mo na ang lahat at naging matapat ka nmn.. Its about time na do something for yourself nmn.. It is “NOT” selfishness if you know and believe you did your best during your time. Dont be afraid to face new challenges. Remember, every trials/new things in your life are all opportunities for improvement, to make you better.. As everyone say, change is the only thing permanent in this world… Its up to you how you will react on the situation na lng…

47.) I don’t believe in the words “happy and contented”.. Because, all good things do come to an end… And, if your “happy and contented” – then there is no more room for improvement on your part. And when change happens, ndi ka ready, nasasaktan ka.. you give up… and sometimes you even ask and judge God why you or why it happened..Habang buhay tau, always open our eyes to all things the world offers, good and bad… Gonna get ready…”Ang pagiging sigurista sa magandang buhay/pagkakataon ay walang masamang epekto kung tama ang gngwa mo”…agree?

48.) Walang masama na maniwla sa destiny or fate.. It serves as an inspiration and motivation.. I also believe in that.. But the difference is, and actually the truth is – people should rely more on “CHOICE”.. Our destiny is 90% driven by our choices..The remaining 10% is the chance… Kung di natin susubukan, we wouldn’t know if yun na nga yung hinahanap/gusto natin…Kung hindi natin ggwin/paghihirapan, ndi natin makukuha… Kaya tayo binigyan ni Lord ng “freewill” – to make our own destiny…. to choose…..And isa pa, eto ndi siguro alam ng marami, you can actually make/decide the destiny of another person.. pano? look at the people in africa.. the suffering poor people..Do you think destiny nila na ganun buhay nila mula pagkabata dahil mahirap magulang nila at ang bansa nila? think again… They are just victims… We can change their destiny if we can help them.. Thats how powerful a “CHOICE” is…

49.) Sabi ng Eraserheads sa fruitcake – “there are B-sides to every story”… I agree.. ganito taung lahat dapat.. We should first hear/see the other side of the story before we judged sa mga narinig/nakita natin.. always ask – WHY?? pag nangyari to, wala ng tsismoso/tsismosa sa mundo.. yun nga lang, pag nwala sila, parang boring na ang buhay noh? hehe..

50.) Follow up to #19, ang pinaka sweet, malambing at thoughtful na karelasyon sa mundo ay ang iyong….- kabit… (maliban na lng kung may bf/gf din ang kabit mo) ^^,

51.) (from my friend Arshile) – Bakit ang mga multo (white lady/black lady) laging naka gown? di nmn yun ang suot nila nung namatay sila db? san sila nakuha ng damit at nagbibihis???

52.) Madaming reporter ang nakakainis na nagtatanong sa interview pagkatapos ng isang laban (basketball, boxing, etc) tatanungin yung nanalo; “sir, panalo kayo, anong pakiramdam?”, tapos tatatnungin din yung natalo, “sir, anong pakiramdam at natalo kayo?”.. pucha, kung ako yung sasagot ang sasabihin ko, “alien kb? natural masaya/malungkot kase panalo/talo kami! ndi mo ba alam na ang pakiramdam ng tao pag nananalo/natatalo?” parang tanga magtanong!!! hehehe..

53.) Kung gusto mo humaba buhay mo, ang kunin mong trabaho eh teacher sa elementary. Bakit? Isipin mo, titser p yun ng magulang mo, tapos naging titser mo din, aba, at magiging titser p ng anak mo! ayus db? haha.. bakit ang tagal nila mamatay? joke lng po h? hehehe

55.) Kapag maraming galit na tao sayo kahit wala kang gngwang masama, isa lng ang twag jan.. Insecure sila sau! Wag mo lang pansinin! Sino ba nahihirapan at mas naiinis? db sila? hehehe

56.) Gano man kalinis ang isang papel, mas papansinin pa din yung kaunting dumi gano man kaliit ito.. Ito ang nature ng tao..

Christmas Edition is next!

see you soon!

God Bless you for reading!

7 comments
  1. gary arceo said:

    nice one sir….tama…….idol.

  2. emon said:

    ayos nakakatuwa !! ang galing

  3. Lola Nila said:

    ay salamat aside from the professional heckler, ito meron naman isang magandang blog akong babasahin.

    congrats! sana humaba pa ang iyong buhay. sana bigyan ka pa ni Lord ng another 300 years.

    • thanks po mam! may update na po ako after a long time! hope you find some time po ulit, mag comment and spread the word! God Bless!

  4. charesma said:

    very true esp # 55😉

  5. tang said:

    walang kakwenta kwentang blog.tsk.

  6. Ghen said:

    nakakatuwa poh..nakarelate aq lalo na sa no.2🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: