Image

103.)  Bakit andaming gusto n private ang lovelife nila or gusto nila sila lang nakakaalam pero panay nmn ang post at lagay ng lovelife status nila sa shout out ng facebook?

104.)  Ayon sa kanta ng incubus na dig – “we all have a weakness, some of us are easy to identify”.. I agree.. Yun nga lang ang ibang tao ayaw pa din umamin sa ilang weakness nila kahit hindi nila kayang labanan o gawin or takot lng.. we should face our fears and dont be afraid to accept change. For change is the only thing na consistent sa mundong ito..

105.) Wag kang magrereklamo kung ayaw mo ng chaser o alak o pulutan sa isang inuman na wala ka namang ambag, tandaan, nakikiinom k lng – wag choosy. Pwedeng umayaw.

106.) Bakit may mga taong anlakas ng loob siraan ka sa harap ng ibang kakilala niya/niyo pero pag kaharap ka na eh di naman kayang magsalita at parang ambait bait? Sino ba ang mas napapasama ang image? yung sinisiraan niya o siya? think about it..

107.) Para sa kasalukuyang sistema; pag nagnakaw ka ng tuyo o kahit gulay lang at nahuli ka, panigurado papa barangay ka, much worst kulong ka pa kung ayaw pabayad ng ninakawan mo..Pero pucha, yung mga general sa AFP andami ng ebidensya fair trial pa at right to privacy pa ang gusto! ni malabo pa kahit makasuhan! 700 Million pesos! Sabi nga ng kaybgan ko na si arshile, pag mahirap ka at may kaso ka, kulong ka na,masamang tao k pa habambuhay..pero pag may pera ka, fair trial ka, may abugadong magaling ka pa na bulastog, at magmumukhang kawawa ka pa! P***ng ina tlg!

108.) Bakit may mga masyadong magaling magsalita at mag advice na alam lahat kung ano dapat gawin sa problema? pero pag sila na naka encounter di nmn gngwa o kayang gwin cnsav nila? Bulastog!

109.) Bakit sa ibang bansa ang ganda ng imahe ng pulis? Gngwan cla ng movies (Badboys, die hard, etc.) pati TV series (NCIS, Burn Notice, etc) na sila ang bida? pero sa pinas eh ano ang mas madalas? Pulis na kidnapper, rapist, sindikato, drug pusher, adik,nag to torture, namamalo sa rally, huli nadating sa crime scene, di makahabol sa car chase o habulan scene, etc???

110.) Speaking of car chase, gano kalaki ang difference natin sa holywood pagdating dito? Ang car chase sa US madaming kotse na bago at maganda ang nasisira, nasabog, at binabaril habang naghahabulan.. Eh satin? Ang common car chase scene (hanggang ngaun) ay yung nabangga sa mga bangketa, nakakasagasa ng kariton, nabalentong pagbangga sa tumpok ng buhangin o lupa at nakakasagasa ng pilay o ataul (pag comedy) sa daan? Tapos slow mo pa at ilang ulit yung pagtaob na may pagsabog epek after bumagsak o pagkatapos gumulong. At luma p yung kotse na long shot ang kuha sa camera! hahaha!

111.) Bakit may mga taong mas kakaawaan yung taong nagsalita/gumagawa ng masasama sau kapag nasa isang grupo kayo at di mo pinansin? kaw pa ang masama pag di mo inimikan eh sila n nga may atraso sau? ang kitid! pag pinansin mo nman, plastic ka, pag nagpakatotoo ka, masama k nmn! haist!

112.) Bakit minsan kapag kapatid mo ang humiram o kumuha ng gamit mo ng di mo alam galit n galit ka pero pag Bespren/Boyfriend/friend mo ang nakuha eh ok lang?

113.) Tapos pag pinahiram mo naman ang kapatid mo, may time frame, limit, or kundisyon (minsan may sermon pa) na sasabihin ka pero pag pag sa iba ang sagot mo – “OK lng, kaw bahala!”

More to come soon! Keep the comments coming! God Bless!


Happy Valentines! Mga Katangahan sa Buhay Valentines Edition!

91.) Nagpapasulat k ng slumbook sa iba para malaman mo akung sino ang crush nila at kung ano ang mga gusto nila. pero disappointed ka mdalas dahil hindi ikaw yung nakasulat sa cursh ng type mo kundi iba!

92.) gmgwa k ng love letters at iniiwan/iniipit sa upuan,locker,notebook,libro, pinapaabot sa mga kaybigan ng crush mo at madalas gumagamit kp ng codename para ipaalam ang nararamdaman mo! (di pa kasi uso ang text mate nun!)

93.) Trivia: Ang Valentines day ay galing kay St. Valentine na isang martir, pero, bakit hindi masaya ang mga martir pag valentines? at bakit walang nagpapaka martir sa araw na to? kung meron man sarili lng nila ang nakakaalam!

94.) Ang top 3 nireregalo sa valentines ay – Flowers (lalo na roses), Stuff toy, love letter/poems. (di top 3 ang chocolate, agree?)

95.) Top 3 date destinations pag valentines – 1.) Mall (movies, food court, karaoke booth) , 2.) Parks (enchanted/star city, ocean park, luneta, etc), 3.) Hotel/Motel/Boarding House ^^,

96.) Tuwing JS Prom, ang goal mo ay maisayaw mo lahat ng mga magaganda lalo na yung crush mo!

97.) At pag kasayaw mo na yung crush mo o bf/gf mo (sa JS Prom p rin), hindi ka kuntento sa isang kanta lang, diretso hanggang kasunod na kanta, walang upuan!

98.) Ang magkaka partner sa sayaw sa JS Prom ay yung pare pareho ng itsura (parehong pangit!)

99.) Balik tayo sa slumbook, ang pinaka gamit na gamit sa “motto” section ng slumbook ay – “Time is Gold”

100.) Naniwala ka na baby si Kupido o napagkamalan mo..

101.) Pag broken hearted ka ng dumating ang valentines day, tamang senti ka – listen to love songs ang trip mo. At pag tinopak ka pa, magbabasa kp ng mga lumang sulat nia..

102.) Dapat ang unang ggwin ng couple sa V-Day ay pumunta sa church kahit walang misa.. Pray together.. Pray for guidance and thank God for having each other and spending new/another valentines together..Pero madalas (or wala tlga) hindi kasama sa mga plano nio ito.


 

80.) Bakit pag naulan eh ang hirap sumakay ng jip? pag tagaraw nmn eh andami nila na minsan nakakairita na? Bawal ba mabasa yung ibang jeep?

81.) Bakit kung kelan wala kang dalang payong/kapote/jacket saka naulan? pag dala mo nmn eh hindi?

82.) Bakit minsan, pag nakasilong ka na eh saka nahina ang ulan, pag lumakad k n nmn eh nalakas na ulit?

83.) Bakit ang rainbow parang ang lapit lang? di mo nmn mapuntahan.

84.) Bakit pag na cancel na ang pasok sa iskul/work eh wala ng ulan o tapos n ang bagyo?

85.) Bakit ang kuripot mo na bumili ng mahal/matibay n payong eh hirap n hirap k nmn pag naulan ng malakas kasi tinatangay ito ng hangin, nababasa ka pa din at madali pa ito masira? Di bale ng mabasa wag lng mwala ang porma at poise?

86.) Nung bata ka pa, nasubukan mo n din maligo sa baha.. (yung iba hanggang ngaun gngwa p din!)

87.) Uso ang champorado pag may bagyo! (with matching dilis at tuyo – sarap!)

88.) May excuse ka pag nalate ka sa office pag maulan, (kahit ang totoo eh tinanghali ka lang gumising dahil masarap matulog!)

89.) Bakit ang bagyo laging gabi nadating? na tatraffic ba sa umaga?

90.) Bakit ang simbahan/sambahan ng halos lahat ng religion eh hindi masyado/laging nagagamit as evacuation center pag bumabagyo?

Let us all pray for the souls of our brothers and sisters na nasalanta ni Sendong. May God Bless their souls and lets exercise the true meaning of Christmas by offering help and donations to them.

Still, tayong mga Pinoy, walang pagsubok na di kayang lampasan! Pambihira ka Pinoy!

Merry Christmas and a Happy New Year!


Mga friends, back to normal mode muna tayo! Have a great week ahead!

68.) Bakit minsan, pagdating sa away, mas matapang ka pa sa gf/bf mo kesa sa totoong kaaway o kagalit mo?

69.) Wag mo papatagalin ang sama ng loob mo sa mahal mo.. Every little misunderstandings should be settled at once pag malamig na ang ulo ng bawat isa. And then you should not forget about it o kalimutan na lng kung naging ok na kau. You should still settle and close it formally. Dapat maging mature na at malalim ang pagtanggap sa nangyari.. In this way, maiiwasan ang sumbatan at ang pagkaipon ng sama ng loob which leads to panlalamig at pagkabawas ng fire sa relationship (asawa man o bf/gf)

70.) Sometimes, mas ok ang mag lihim kesa sa magsinungaling as long na wla k nmn ginwang masama na makakasira sa inyong dalawa. Ito ay para maiwasan ang away at ang sumbatan. Wag lng ggawing bisyo, remember, lahat ng sobra ay masama!

71.) Kung ang lahat ng sobra ay masama, bakit maraming mababait na sobrang yaman? at mga naging artista na yumaman dahil sobrang pangit? buhay tlaga noh? parang tanga lang… hehe

72.) Ang pagibig at paghanga minsan ay parang utot, kahit pigilin mo man paulit ulit, lalabas at lalabas pa din.

73.) Ayon sa isa sa mga paborito kong banda – ang Staind: “falling is easy, its getting back up that becomes the problem.. If you don’t believe you can find a way out you’ve become the problem..” i strongly agree.. do i need to elaborate and explain? i don’t think so, it says it all…

74.) “kung ano ang bawal, xa ang masarap” – Golden rule na ata ito ng buhay.. Pero, alam nio ba, may mga bawal na hindi masarap at hindi kaaya ayang gawin? eto ang mga example:  1.) “Bawal Tumawid, Nakamamatay!” (subukan mo lng cge tignan natin) 2.) “Bawal pumasok, may aso – nangangagat!” (cge nga try mo?) 3.) Do not Enter – 10000V! (aba nmn, pag sinubukan mo pa to!), etc..etc… (baka may maisip p kau dagdag nio lng sa comments! hehehe)

75.) kidding aside, ano ba ang itatwag mo dun sa gngwa pa din ung bawal? ang common na sinasabi mo eh tamad, mayabang, pasikat, sinungaling, mandaraya, etc.. hindi ba dapat ang unang itanong eh -bakit? bakit gngwa p din? this is with connection to #49, we should know first the history.. And then saka tayo magisip ng pwedeng gawin o ipayo para ndi n nila/niya ulitin. Ang pagpuna palagi sa mali ng kapwa mo ay senyales ng kakitiran at pagiging insecure.. Ano ang ggwin? once you know the history, dun ka makakaisp, its either family concern or personal or society.. but it should start within yourself/ourselves. The greatest advice you can give at first is to be a good example.. the rest will depend on the situations..Mas OK kung ginwa mo dati and you changed, makikita nila na pwede nmn pala at kaya….

76.) We always hear about how to move on or the best way to forget a broken heart experience is to move on.. For me, the word “move on” should not be an act or a necessity – it should be viewed and evaluate as the RESULT. How? because the first thing to do after a breakup/separation is you should learn first – ACCEPTANCE.. Pano ka makaka move on kung hindi mo pa din kayang tanggapin ang katotohanan na wala na kayo o wala na xa? The moving on part comes naturally kapag natanggap mo na ang lahat.. And this is the right way of letting go.. Kung magagawa mo to, believe me, its a relief and wont hunt you down for the longest time..Now thats the hardest thing there, it really takes time to fully accept everything specially when you are in the same office, school, neighborhood, etc or you see each other a lot… Do this little by little.. Start with simple things such as letters, dried roses, old gifts, old txt messages.. one by one until it becomes automatic..And as always, you have a family, friends and most importantly – GOD…

77.) A lot of people/readers/friends commented on list No. 2.. “Pwede din yun dapat sa mag asawa” Now here is what can i say kahit single p ko.. And this applies even to non-married couples (live in).. We all believe that LOVE is so much powerful that when it started to control you, you ended up being in list No. 19 or 20 (depends on where you landed there), and when you realize everything and woke up or ended up to No. 2 list, you gave up.. That’s the problem.. you gave up… Nakakalimutan natin na May inosenteng mga nilalang na nadadamay (the kids).. They dont deserve to grow up without a Father/Mother just because the two of you cant work out on your differences na nuong mag BF/GF p lng kayo eh dapat alam nio na db? Di nio ba napapansin sa TV? 90% of kids na ndi magnda ang ugali o kinhantungan ng buhay is because of lack of parental guidance starting from their toddler years? Mayaman man o mahirap walang excuses sa ganito..Communication is always the key….If you listen or read to some of the list’s above, everything is interconnected na pag nagwa niong 2 lahat, everything may seem to be normal and OK..Di po ako nagmamagaling, all i want to say po is what i think is right..this list can be so long and become a debate but if you think of it, the ending and conclusion will still be the same…just think about it…

78.) Masyado na tayong serious, break muna! hehe… Bakit mas matapang ang tao pag lasing? Eh kung lalabanan mo tlg yun ng parehas eh hindi halos tatama o mananalo sau dahil nga lasing, pero natatakot ka sa kanila.. hehe (maliban n lng kung may baril! nakupo!)

79.)  Bakit may mga driver ng jeep na kahit minimum lng ang binayad mo (ex. right now is 8 pesos), itatanong pa din sau kung “ILAN TO?”.. Tanungin mo din kaya ng “KASYA BA DALAWA?” haha..

Salamat po sa lhat nga mga nag cocomments and to my new readers thank you so much! Spread the word!

God bless!


= Dear friends! here it is! “Mga katangahan sa buhay – The Christmas Edition!” enjoy reading! =

 

57.) nung bata ka, nangaroling ka din. at katulad ngaun, pag nabigyan n kayo ng pera, hindi nio tatapusin ang kanta at papalitan ng “thank you, thank you, ambabait ninyo thank you!”

58.) nung bata ka, nagsasabit k din ng medyas sa bintana/labas ng bahay nio pag bisperas ng pasko. tapos kinabukasan, nakakuha k ng gift, at inicip mo – totoo si sta. claus!

59.) sa mga babae, wala kaung ibang regalo na pangarap niong matanggap tuwing pasko nung bata kayo kundi – si barbie!

60.) nung bata ka, kumakanta k ng feliz navidad kahit kahit ndi mo nmn alam ang tamang lyrics! at pag malapit ka na sa “i wanna wish you a merry christmas!” eh todo lakas nmn ang pagkanta mo na parang alam n alam mo tlaga!

61.) kinakantahan nio ang mga ndi nagbibigay sa inyo ng pera pag karoling ng “thank you, thank you, ambabarat ninyo thank you!” sabay takbo!

62.) sumasama ang loob mo pag hindi k nabibigyan ng ninong/ninang mo ng regalo pag pasko. at pag matagal silang ndi nakapagbigay sa ‘yo tapos handa na sila magbigay, nag eexpect k ng malaki, kumbaga eh pambayad utang!

63.) nung bata ka, kapag araw ng pasko, bago ang damit na suot mo..

64.) Bata ka p lng, inggitero ka na, nag ku compare kayo ng napamaskuhan nio ng kasama/kaybgan mo at pag mas madami ang kanya, naiinis ka..

65.) Pero pag mas madami ang napamaskuhan mo, mangaasar ka pa, ikukuwento mo pa kung magkano bigay sa yo ni ano, ni ganyan, etc, etc…para lalong mainggit ang mga kalaro/kaybgan mo.

66.) Wag kang manghinayang sa ginastos mo sa regalo at pamasko nung pasko. Wag mo kalimutan, once a year lang yan samantalang kung sa alak, babae, sugal, fashion, gala eh ang laki ng nagagastos mo for the whole year.

67.) Ang pagiging ninong at ninang ng isang tao pag pasko, pag madami na inaanak, hindi na nakakatuwa ayon sa marami. Kasi daw masamang tumanggi kaya tanggap lng kahit ayaw na.. Mali po ang paniniwalang ganito.. Kaya tayo kinuhang ninong/ninang eh dahil tayo ay “fatherly/motherly” figure na pwedeng pagkatiwalaan ng magulang na tumingin sa mga anak nila. That is what we should think and thank for sa mga kumukuha satin. Hindi lang sa pera o pamasko o dahil mayaman. Kundi dahil ang tingin satin ng magulang eh mahusay na gabay sa paglaki ng mga anak nila.

Thanks po sa mga nag comments! Enjoy reading!

Merry Christmas and a Happy New Year!


//


Ang blog na ito ay ginawa upang magbigay pugay sa bawat kaugalian, paniniwala, karanasan at hangarin ng mga Pilipino sa lahat ng parte ng mundo. Nawa’y mag enjoy ang lahat at may mapulot. Disclaimer: Walang pinatatamaan o pinipersonal ang author ng blog na ito. 

Cheers!

Here are some of the things i think and write off (pag walang magawa..hehehe)

 

enter

 

  1.) your anger is a gift (pag di ka marunong magalit at mag react, mauulit lng lagi mga nangyayari sa yo)

2.) kung di na kayo pareho masaya, huwag nio ng ipagpatuloy pa, pareho lng kayo nahihirapan. (pang magsyota lng, pag kasal na ndi na applicable to!)

3.) pag galit ang isa, wag ng kulitin pa, dahil lalong magagalit yan, ang plantsa ba pag hinugot mo ng saksak nalamig agad? ganun din ang tao, kelngan mo muna palamigin saka mo ulit lapitan at kausapin ng malumanay.

4.) pag parehong mainit ang ulo, wag ng magtalo dahil lalo lng gugulo

5.) dalawa lng ang tao sa mundo, yung naguutos at yung inuutusan. At yan ay laging naka parallel sa estado ng pagkatao mo..alin ka dun sa dalwa??

6.) kung ayaw mong mabastos ng mga tambay at lasing, wag kang dumaan sa harap nila na halos labas na ang iyong kaluluwa.

7.) wag mong sasabihin sa inuman na kaya mo pa kung ikaw ay naka ilan ng suka.

8.) kung gusto mo ng masarap na pulutan, pumarehas ka sa ambagan.

9.) pag dalwa kau sa puso nia, wag mo ibibigay lahat ng sayo, kelngan magiwan k lagi sa sarili mo ng bagay na hahanapin nia at pipiliting makuha para may pagasa kang sayo sia mapunta.

10.) Bakit tuwing ma le late kn, saka pa magpapa gasolina yung sinasakyan mong jeep?

11.) Bakit sa fastfoods, ang kapartner ng heavy meals ay diet softdrink? (asan logic dun?)

12.) ang pag-ibig ay 2 lng, kamusta at paalam (kanta ng eraserheads yan!)

13.) Pag nadudumi ka o naiihi, natitiis mo ng medyo mtgal, pero pag nandun ka na sa cr finally, bakit parang lalabas na agad at di mo na mapigilan? hehehe

14.) Bakit minsan may mga babae na sasabihin sa manliligaw nila: “I dont like you!, lets be friends n lng” ano yun? you dont like nga db? bakit gusto mo pa maging friend?..

15.) Sabi sa bible at sa church teachings, “kelangan tanggapin si Kristo tuwing Misa in a form of Holy communion”; “Bawal tumanggap ng communion pag may mortal sin ka”; “Kelangan mo mangumpisal at least once a month para mptawad ang mortal sins mo”.. Pero nung nabubuhay si Kristo,”sinumang walang kasalanan sa inyo ang siyang bumato sa babaeng ito”.. confusing isn’t it? got my point yet?

16.) Bakit minsan, pag bumaba na ko sa Jeep dahil traffic, saka nmn aandar???

17.) Pag sinabi sayo ng bf/gf mo: “i need space, may problema ako sa family ko”, eto lng yan..90% is meron nang iba OR hindi na siya masya.. Hindi lng niya masabi sau na gusto na niya makipagbreak dahil gusto niya sayo manggaling ang decision n ganun. kasunod nian, they will show you panlalamig at pagbabago sa pagkatao niya at relationship nio, Ways nila yun para pagisipan mo na i break na sila or ikaw ang magsawa…

18.) Ang isang long distance relationship ay mag wuwork lng kung meron kayo ng tatlong bagay: una; strong relationship foundation (taon ang pinaguusapan dito tol!)..yung point na alam nio na ang weaknesses, ayaw at temptations ng bawat isa..at dapat involve at ok ang family relationship sa bawat side para may matatakbuhan ka.. 2nd; total communication, pag sinabing total, may definite na araw, oras at haba ng tawag/chat (di pwedeng excuse ang busy at nakalimutan dahil na set nio na to!) – ganito ka detailed..updated dapat ang bawat isa sa mga activities kahit minsan ndi na makarelate, ang importante, by doing this – the confidence and trust to each other is solid. 3rd; Always put God in everything you do and decide.. It will help you clear of worries and makakapagpalakas ng tintawag natin na “kunsensya”… korni man yung pangatlo, pero ito ang pinaka astig.. pwedeng wala yung 1 and 2 kung pareho kaung malakas dito sa 3rd..agree? disagree?

19.) Ang pinaka selosa/selosong karelasyon sa mundo ay ang iyong — kabit… tama ba???

20.) Hindi lahat ng tama ay masya.. Pero kapag masaya ka, nagiging tama ang lahat…

21.) Bakit minsan, nauuna ka pang gumising sa tunog ng alarm clock mo? (tapos di ka na makatulog pag sinubukan mo-badtrip!)

22.) And then pag inaantok kn sa pagbabasa ng libro (lalo na kung estudyante ka), hihiga ka na, pero pag higa mo, di ka na ulit inaantok! hashhh..!

23.) Hindi komo kabit ka di ka pwedeng mag demand (yun nga lang – limited)..Pareho lang kayo nung original niya na binibigay ang pagmamahal, hayaan mong siya ang mag adjust wag ikaw!

24.) Bakit ang lalake, pag nagkukuwento sa iba ng lovelife/buhay niya, madaldal ang tawag, pero pag ayaw nmn magsabi — malihim, may tintago, mayabang at suplado na ang sasabihin! ano b tlg???

25.) Sabi ng Typecast “Sympathy is never considered Help” ~ i agree…kayo?

26.) Never regret anything na ginawa mo kung naging masaya ka nmn.. wag mong sukatin yung bilang ng pagkadapa mo at kung ilang beses k nasktan nung ginwa mo yun. Ang isipin mo, at ipagmalaki mo, eh nagawa mo at ibinigay ang lahat, na yung tipong anyone who knows you would not expect na kaya mo pala. Be proud and stand up! Think of the things na ikinasaya mo (kahit kakaunti lang)  despite nung mga hirap!! smile!

27.) Hindi komo ikaw ang laging sinusuyo kahit wala siyang kasalanan, eh may karapatan ka ng ma spoiled. Gising! kahit gano ka kahalaga sa kanya, wag mong kalimutan na may dulo ang pisi kahit gano kahaba. Wag mo ng antayin na umabot ka sa dulo dahil baka dun pa masira lahat ng pinagsamahan nio.

28.) Follow up sa #27, hindi komo mas mataas ang posisyon o estado mo sa buhay eh hindi ka na dapat umamin ng pagkakamali mo. Tandaan, wla ka diyan kung di dahil sa mga yun. Di komo mas mataas ka eh kaw pa din ang susuyuin kung ikaw ang mali. Hoy! may pakiramdam din sila!

29.) Ang kasinungalingan ay parang cancer, napipigilan mo pero di mo kayang tanggalin!

30.) Bakit minsan (o madalas), mas nakakahiya ang maningil ng pautang kesa ang mangutang?

31.) Bakit habang laging papalapit na ang sweldo, paubos ng paubos ang pera ng tao? (ndi magandang bisyo to!)

32.) Katulad ng #8, kung gusto mo ng masarap na alak sa inuman, pumarehas ka sa ambagan!

33.) Sa mga matakaw sa pulutan tuwing inuman, mag-ingat paguwi baka mapagalitan ng magulang at mahalatang naginom kasi – AMOY PULUTAN!!!

34.) sorry comes in ONLY two packages: 1)I mean it; and 2) I didn’t mean it (the most popular).. and forgiving is a trial and error process, you should not reject the “sorry” unless she/he proved to you na hindi na naulit at mauulit ang gnwang mali. (everybody deserves a second chance after all) and hindi dapat laging isumbat ang pagkakamali tuwing away kung nag sorry na at napatawad mo na, nakakasawa yun! It will make him/her feel na wala xang karapatang magbago and will make him/her think na di mo pa xa napapatawad tlg..malaking crack ito sa isang relationship..promise! But unless ginwa nia ulit, then babalik tayo sa #29 at ang ending mo eh sa #1.

35.) Nung bata ka, isa ka sa nagpipilipit ng toothpaste pag paubos na.. as in pilipit na pilipit hanggang may lumalabas pa..^^

36.) Alam nating lahat ang tagline na pinasikat ni spiderman, ang “with great powers, comes with great responsibility”.. And responsibility does not automatically and traditionally means more jobs for you to do and more pressure. Ang pinaka tamang pag intindi nito is to do “more sacrifices”. Pag may power kn (or position), mas marami na ang umaasa sau.. And that is what we call “social responsibility”.. ito ang wala sa utak ng halos lahat ng boss/amo dito sa atin sa pinas (foreign man o pinoy).. ang thinking nila eh, “bakit? sinusuwelduhan ko nmn kau ah?”, “bakit? trabaho nio nmn yan ah”… NO….it f**king doesn’t end there..ang relationship ng boss sa empleyado at sa mag gf/bf is DAPAT walang pinagkaiba… Give and take… loyalty and commitment. Kung boss ka, you have the social responsibility to your people to make their lives better kung ayaw mo layasan ka nila..They are committed to work to you and umaasa sila na mapansin un… At applicable tong principle na to ano pa man ang posisyon mo as long as may mga tao ka sa ilalim mo na nakatingala sa ‘yo.. 

37.) In response to #36, on the workers side, bago ka magreklamo sa mga amo mo or sa gngwa mo, you also have to analyze the situation whether you are deserving enough to demand.. evaluate yourself on the words “hardwork, perseverance, skills and character”.. Kung isa kang honest, malinis, walang kapalpakan at kabulastugan sa trabaho mo, then you can speak up and stand up proudly.. sabi nga nila, maglinis ka muna ng bakuran mo bago mo sitahin yung sa kapitbahay mo…

38.) Bakit may mga tao sa mundo na malakas mang-asar pero pag sila na ang inasar, pikon? 

39.) Bakit minsan kapag wala kng balak sumakay ng tricycle, andami daming nangungulit at natigil sau? pero pag yung oras na gusto mo sumakay, ang hirap sumakay at minsan walang may gusto?

40.) Retreat doesn’t necessarily means giving up, its just giving your self some time to think and plan your next move. So that it will not happen to you again and will make you achieve whatever you desire..

41.) Ang “utang na loob”, kahit kailan hindi pwede maging kakambal ng salitang “kusang-loob”

42.) Ang masamang ala-ala ay parang kulangot, kahit paulit ulit mong tanggalin, bumabalik balik p din

43.) Kahit anong klaseng paliwanag pa ang gawin mo sa iyong tinatwag na “white lies”, isa pa rin itong – palusot!

44.) Wag mong sabihing ginwa mo n ang lahat ng dapat mo ng gawin para sa isang bagay/pagkakataon kung puro ka nmn dahilan, reklamo at palusot.

45.) Mabuti pa ang mga halaman/puno sa bundok, kahit mag kakaiba silang uri na magkakatabi, pare-pareho silang nabubuhay at lumalago on their own..Walang namamatay at natutuyo na isang uri lng (maliban na lng kung sinadya o oras na nito)..  Sana ganun din tayong mga tao..

46.) Walang karapatan ang sinuman na pigilan ka sa pag unlad mo para lng sa sariling interes nila o ng iilan lamang. May sarili ka ring buhay, pangarap, pamilya at mga problema.. Wag kang magpapadala sa pakunsensya effect kung ginwa mo na ang lahat at naging matapat ka nmn.. Its about time na do something for yourself nmn.. It is “NOT” selfishness if you know and believe you did your best during your time. Dont be afraid to face new challenges. Remember, every trials/new things in your life are all opportunities for improvement, to make you better.. As everyone say, change is the only thing permanent in this world… Its up to you how you will react on the situation na lng…

47.) I don’t believe in the words “happy and contented”.. Because, all good things do come to an end… And, if your “happy and contented” – then there is no more room for improvement on your part. And when change happens, ndi ka ready, nasasaktan ka.. you give up… and sometimes you even ask and judge God why you or why it happened..Habang buhay tau, always open our eyes to all things the world offers, good and bad… Gonna get ready…”Ang pagiging sigurista sa magandang buhay/pagkakataon ay walang masamang epekto kung tama ang gngwa mo”…agree?

48.) Walang masama na maniwla sa destiny or fate.. It serves as an inspiration and motivation.. I also believe in that.. But the difference is, and actually the truth is – people should rely more on “CHOICE”.. Our destiny is 90% driven by our choices..The remaining 10% is the chance… Kung di natin susubukan, we wouldn’t know if yun na nga yung hinahanap/gusto natin…Kung hindi natin ggwin/paghihirapan, ndi natin makukuha… Kaya tayo binigyan ni Lord ng “freewill” – to make our own destiny…. to choose…..And isa pa, eto ndi siguro alam ng marami, you can actually make/decide the destiny of another person.. pano? look at the people in africa.. the suffering poor people..Do you think destiny nila na ganun buhay nila mula pagkabata dahil mahirap magulang nila at ang bansa nila? think again… They are just victims… We can change their destiny if we can help them.. Thats how powerful a “CHOICE” is…

49.) Sabi ng Eraserheads sa fruitcake – “there are B-sides to every story”… I agree.. ganito taung lahat dapat.. We should first hear/see the other side of the story before we judged sa mga narinig/nakita natin.. always ask – WHY?? pag nangyari to, wala ng tsismoso/tsismosa sa mundo.. yun nga lang, pag nwala sila, parang boring na ang buhay noh? hehe..

50.) Follow up to #19, ang pinaka sweet, malambing at thoughtful na karelasyon sa mundo ay ang iyong….- kabit… (maliban na lng kung may bf/gf din ang kabit mo) ^^,

51.) (from my friend Arshile) – Bakit ang mga multo (white lady/black lady) laging naka gown? di nmn yun ang suot nila nung namatay sila db? san sila nakuha ng damit at nagbibihis???

52.) Madaming reporter ang nakakainis na nagtatanong sa interview pagkatapos ng isang laban (basketball, boxing, etc) tatanungin yung nanalo; “sir, panalo kayo, anong pakiramdam?”, tapos tatatnungin din yung natalo, “sir, anong pakiramdam at natalo kayo?”.. pucha, kung ako yung sasagot ang sasabihin ko, “alien kb? natural masaya/malungkot kase panalo/talo kami! ndi mo ba alam na ang pakiramdam ng tao pag nananalo/natatalo?” parang tanga magtanong!!! hehehe..

53.) Kung gusto mo humaba buhay mo, ang kunin mong trabaho eh teacher sa elementary. Bakit? Isipin mo, titser p yun ng magulang mo, tapos naging titser mo din, aba, at magiging titser p ng anak mo! ayus db? haha.. bakit ang tagal nila mamatay? joke lng po h? hehehe

55.) Kapag maraming galit na tao sayo kahit wala kang gngwang masama, isa lng ang twag jan.. Insecure sila sau! Wag mo lang pansinin! Sino ba nahihirapan at mas naiinis? db sila? hehehe

56.) Gano man kalinis ang isang papel, mas papansinin pa din yung kaunting dumi gano man kaliit ito.. Ito ang nature ng tao..

Christmas Edition is next!

see you soon!

God Bless you for reading!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 792 other followers

%d bloggers like this: